Ang teatro ay hindi lamang entablado ng sining, ito rin ay institusyon na nag bibigay boses sa mga pinatatahimik. Ngayong World Theater Day, ang ating panawagan, patuloy tayong lumilikha ng mga kuwento na sumasalamin sa realidad ng ating lipunan, lalo na sa mga boses na binubusalan ng dahas.
Tulad ni Dong mula sa "Mga Kuneho," libu-libo ang pinatay at pinagkaitan ng hustisya sa madugong giyera kontra droga ng Rehimeng Duterte. Ang teatro ang nagsisilbing boses ng mga inaaping hindi na makapagsalita—isang paalala na hindi pa tapos ang laban para sa hustisya.
Sa bawat pagtatanghal, binibigyang-liwanag natin ang madilim na katotohanang pilit inililibing sa limot. Sa bawat linya at kilos sa entablado, isinisigaw natin ang panawagan para sa pananagutan. Ang sining ng teatro ay hindi lamang aliwan—ito ay sandata laban sa pang-aapi, isang daluyan ng paglaban at pagpapalaya.
Ngayong World Theater Day, itanghal natin ang katotohanan. Huwag tayong manahimik. Huwag tayong tumigil. Singilin natin ang mga may sala. Huwag nating hayaang mapawi ang katotohanan. Gamitin natin ang sining sa patuloy nating pagtindig.
License to Kill": Philippine Police Killings in Duterte's "War on Drugs"
Isang ulat mula sa Human Rights Watch na nagsusuri sa mga pagpatay na isinagawa ng pulisya sa kampanya kontra droga ni Duterte.
Philippines' 'War on Drugs' - Human Rights Watch
Isang serye ng mga artikulo mula sa Human Rights Watch na nagdodokumento ng mga paglabag sa karapatang pantao kaugnay ng kampanya kontra droga.
UN must intensify pressure to end killings as impunity reigns
Isang pahayag mula sa Amnesty International na nananawagan sa United Nations na dagdagan ang presyon upang wakasan ang mga pagpatay at kultura ng impunidad sa Pilipinas.