Sa sama-sama at kolektibong lakas ng mga mag-aaral makakamit natin ang ating inaasam na dekalidad, maka-masa, at sustainable na sistema ng Edukasyon. Malaki ang ambag ng mga mag-aaral sa paghubog ng kontemporaryong kamalayan at kritikal na pag husga sa mga isyung kinakaharap ng bayan.
Ngayong araw titindig tayong mga kabataan bitbit ang mga panawagan para sa Ligtas na Balik Eskwela, at mga isyung apektado ang mga mag-aaral.
Tayo ay nakikiisa sa sigaw ng mga estudyante na nag nanais ng inklusibo at makataong sistema ng edukasyon sa pamamaraang siyentipiko, at maka-masa ang pag hinang sa mga kabataan.
Ngayon araw din ibabalandra natin ang atin pagtutol sa panukalang batas na naglalayong ibalik ang Mandatory ROTC. Alam natin ang karumaldumal na nakaraan ng MROTC kaya patuloy tayong tututol sa hakbanging ito. Mag-sisibol ang kabataan kung ang interest natin ang bibigyang pansin. Mas mag-e-excel tayo kung nakatuon ang mga proyekto sa pagpapalakas ng ating skills and passion.
Kaya naman kaisa tayo ng mga kabataan sa progresibo at inklusibong pagtindig.