Kasama tayo ng mga tsuper, mga komyuter, at ng masang di napakikinggan sa panawagang #NoToJeepneyPhaseout
Kasabay ng ating pag salubong sa bagong taon nakabinbin ding mawalan ng hanapbuhay ang nasa mahigit 200,000 na mga tsuper* na ating nakakasalamuha sa araw araw, at nasa 28.5 milyong komyuter ang maapektuhan.
Hindi pa handa ang ating mga tsuper at ang mga operator, at hindi pa rin handa ang mga komyuter na mag bayad ng 40 hanggang 50 pesos sa base fare* pa lamang.
Kaya naman himukin natin ang bawat isa na patuloy na manawagan upang mas lumakas at mapakinggan ang tinatawag nilang minorya. Dahil ang tunay na maiipit ay ang mga tsuper, kanilang pamilya, at mga masang sapat lang ang kinikita upang may maipakain sa kanilang mga pamilya.
Huwag madaliin ang modernisasyon, Pakinggan ang panawagan ng mga tsuper at ng mga komyuter.